Ang tagal ko ring nawala...(as if may nakakamiss eh wala namang nagbabasa ng blog na to!).. Pero who cares? Walang pakialamanan ng imagination. So ayun, soon after kong nagsimula mag-blog last year ng around April eh dinalaw naman ako ng samut saring kamalasan. Siguro nga di talaga friends ang kabayo at kuneho kaya bad year talaga ang 2014 para sakin. Loss dito, loss doon. Actually, di pa nasiyahan si 2014, on new year's eve, December 31, 2014, aba!!! nadampot ng ibang tao ang Sony Xperia Z Ultra ko na napanalunan ko sa scratch scratch noong 2013. Hay buhay nga naman. Pero sabi nga nila.. kung sino man sila.. "there is a reason". Baka nga kailangan mawala noong pinakamamahal kong phone para makapagmove on ako. Syempre halos kakabit na ng buhay ko yung telepono na yun. Ang sandamakmak na selfie at ibang pictures, phone numbers, schedules, notes, etc. lahat ng nangyari sa akin nung 2014 eh nandun, take note until December 31.
Minsan nagiging kampante tayo sa buhay. Tulad ko, may matinong trabaho, may jowa, may mga investments, may kaunting ipon, may mga kaibigan, may pamilya, may cellphone at may pambili ng bacon, cheese egg sandwich sa Lord Stow. Bukod pa dun, may sariling trabaho ang mga magulang ko at may kanya kanya kaming inuupahang unit. Nag aaral ng mabuti ang kapatid ko at wala pang nanliligaw or boyfriend (ang alam ko ah!). Akala ko okay na ang lahat. Wala nang dapat ika-emo. Pwede na akong magspread ng wings and fly. Pwede ko nang libutin ang mundo tulad ng pangarap ko anytime kase wala naman na akong pinoproblema. Pero baka ganun nga, ang buhay ay sadyang froglet. Di ka pwede maging masaya, di pwedeng sayo na ang lahat. Tipong di pwedeng makuha mo ang lahat ng magagandang features sa cellphone. Si Angelina Jolie, parang perfect life na, pero natanggalan naman ng boobies, yung ibang mayayaman, super yaman sa pera pero wala namang friends na totoo or walang nagmamahal na wagas, mga tipong ganun.
Ang point is naisip siguro ni life na may glitch sa system niya kaya ayun, sa isang masayang hapunan noong Mother's day, minura niya ako ng harap harapan. Kinuha niya sa akin ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Pinaramdam niya sa akin kung gaano ako kahina, na wala naman talaga akong kapangyarihan, na wala akong kahit na ano mang lakas upang pigilan o baguhin man lang ang mga pangyayari, na hindi ko hawak at kailan man ay hindi ko magiging hawak ang buhay ko o kahit na kanino man. Unti unti niyang tinangay ang buhay sa katawan ng mahal ko at nandun ako, eyes wide open. Wala akong photographic memory pero ang pangyayaring yun nakatatak sa utak ko na parang video; detalyado, kumpleto at malinaw. Hindi lang 3D, may emosyon pang kasama.
Yun na ang simula ng lahat. Bumaha ng luha ang mundo ko. Gumuho ang mga pangarap ko. Nasira ang mga plano ko. Naubos ang pera ko. At napag alaman ko kung sino sino ang mga tunay na kaibigan sa hindi. Nagalit ulit ako sa mundo, sa buhay, sa mga tao. Kahit nga "condolence" pinagdiskitahan ko. "Condolence" daw! Gusto kong sumagot minsan ng "alam mo ba ang ibig sabihan niyan?". "We'll pray for your family"!, oh c'mon, di ka nga marunong magdasal eh! Naisip ko nung mga panahon na yun, people as just being nice pero for me, I'd rather not hear anything from you kaysa sa sa magsasalita ka ng mga bagay bagay na empty words naman. Mas nakakasama lang ng loob. Kaya minsan, pag may namamatayan na di ko naman kilala, di nalang ako nagsasabi ng kung ano ano kase ayokong maramdaman nila yung naramdaman ko. Tatanungin ka kung "okay ka lang?! Syempre HINDI!!! Hay.. o baka ako lang naman yung ganun.
Ilang buwan din akong nakikipagplastikan sa mga nakakasalamuha ko dahil mas madaling ngumiti at magpretend na masaya kaysa sa mag-explain at umiyak. Mas okay na yung wag nila akong kamustahin, kaysa sa maglabas pa ako ng sama ng loob pero di naman pala sila sincere sa pagtatanong tapos para ka lang nakikiapag-usap sa robot at sasagutin ka ng "k", "o" at "a". Kaya nag "life must go on" act nalang ako. Kahit minsan sobrang namimiss ko siya at naiiyak ako sa opisina, o sa mga daan pauwi ng bahay. Iniiwasan ko din mag-Hong Kong. Sobrang lungkot eh. Di ko ma-explain, pag labas ko palang ng ferry, lalo na pag mag isa lang ako, ang bigat na ng pakiramdam ko eh. Iiyak na ako pauwi sa flat namin sa HKG. Pero mas mabuti parin para sa akin ang umiwas nalang sa mga mata ng mga tao, kase narealize ko na wala naman talagang makakaintindi sa nararamandaman ng natin kundi tayo lang din. No matter how someone put their foot on your shoe or how you try to put yours into them, hindi parin eh. Kaya hindi obligasyon ng kapwa natin tao na maintindihan tayo, emotionally at least.
Pinili kong solohin lahat hanggang sa maging okay ako. Ayoko ng advices, ayoko ng tips paano mag-move on, ayoko ng mga ganun. Gusto kong huwag makalimot. Ayoko syang kalimutan, pero gusto kong mabuhay na kasama yung alala niya for a better me. Gusto ko sumaya ulit pero parte parin siya ng buhay ko. Hindi ko magawa yun hanggat di ako naglelet go. Kasama na dun yung cellphone ko. mga conversations namin, mga pictures namin, mga voice recordings namin, lahat nandun. pati profile pic ko sa whatsapp eh yung picture namin na masaya nung gabi bago siya kinuha saamin. Kung di nawala yung telepono ko, malamang gugunitain ko parin yung new year 2014 na magkakasama kaming nanuod ng fireworks sa Venetian. Magpopost na naman ako sa FB ng throwback pics namin, etc. Pero ngayon unti unti ko nang natatanggap na wala na siya physically, na hindi ko na siya makakausap, maamoy or maaasar. Ganun talaga eh, baka kailangan ko na daw mag let go talaga at magmove on.
Sana lang itong 2015 is maging good vibes naman kami ng Sheep, tutal naman pareho namang cute ang sheep at rabbit diba? So sana nadala narin nung dumapot ng phone ko lahat ng kamalasan sa buhay ko at sa 2015 eh puro good vibes nalang!
:)