Wednesday, April 2, 2014

Overview

Mabuhay! 

Matagal ko nang gusto magblog pero ewan, tamad lang talaga siguro ako magmaintain ng mga ganitong bagay. Sa pagkakataong ito, sisikapin ko na panindigan tong blog na to! ^_^ Simulan na natin noh?


Itago niyo nalang ako sa pangalang "Maria". Mid-20s at nagtatrabaho na. Nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-aral sa isang sikat na kolehiyo sa Maynila. Medyo nahiyang ako dun kaya tumambay muna ng mga ilang taon. Marahil ay ikukwento ko in depth ang aking college life sa ibang entry. :) Anyway, bata palang ako mahilig na akong magsulat, pero madalas ay in English. Hindi ko na nga mabilang kung ilang notebook na ang naubos ko. Lumaki ako sa mga lolo't lola ko, at syempre, marami akong pinagdadaanan nung kabataan na hindi nila naiintindihan. Kaya naman lahat idinaan ko sa pagsusulat. Minsan pa nga ipinapasa ko sa school paper ang mga poems at short stories na naisusulat ko na hango sa mga totoong pangyayari. Pero syempre para mysterious ang dating, gumamit ako ng mga pseudonyms. Ayun, okay naman ang feedback. 


Boom na boom ang blogging noong nasa college ako, syempre naki-uso din.. pero sa sobrang busy, ayon napabayaan na. Ni hindi ko na nga maalala kung ano ang username at password ko.. ang malala pa, di ko pa maalala anong blog site yun. So eto na.. start ulet ako sa mundo ng blogging.. :) Pero this time medyo iba na.. Gusto kong isulat nalang kung ano ang naiisip ko. Yung raw. Unedited. Kung ano ang nasa isip ko, yun ang isusulat ko. Tulad ng dati.. yun nga lang less hassle at stress na para di na ako mababaliw sa kakatanong kung ano nga ba ang English ng mga salitang tulad ng "nagtatampo" o "naaalibadbaran". Kung di naman ay kung ano naman sa Filipino ang salitang "stress" o "hassle". 


Sabihan man ng mga negastar dyan na "jologs" or "parang walang pinag-aralan". Well, blog ko to! Gawa kang sarili mo! ^_^ peace!!! All I am saying is. Gusto ko lang ng freedom sa pagsusulat. Yung tipong di ka nakakulong sa boundaries ng "right" at "wrong". Yung di mo muna masyadong iisipin ang grammar at sentence construction. May post na tambay lang.. may post na seryoso.. may in English, Cebuano, Filipino, Chiniese (kung matututo ako).. depende lang sa mood. 


Kaya yun. 

Welcome to Me! 
Welcome to my life! :)

#noedit <<-- pang-anik lang! ^_^

No comments:

Post a Comment