I have 6 drafts.. all unfinished of course..(you don't say!)
I have this blog (draft) about my recent trip to Palawan.
my OOTD hasn't been updated in a while..
.. haynaku!!!
so summary nalang ng mga nangyari mula nung last post ko... ano ba ang mga pinagkaabalahan ko at nawalan ako ng time magblog?
-- relocation. Actually lumipat ako ng flat, 1 bedroom lang pero okay naman.. medyo hanggang ngayon di pa kami tapos maglipat at mag-ayos. Kamusta naman diba!? Di ko nga alam paanong di pa rin tapos ang paglilipat at pag-aayos ko hanggang ngayon samantalang yung inuupahan ko dati ay kwarto lang.. parang bag lang ni Hermione.. all of a sudden, ang dami kong gamit????
--travel. Oh ayan so in the middle of the "relocation", nagawa ko pang sumaglit sa Palawan nung Semana Santa, 9 days din akong di malocate ng GPS sa Macau. Masaya! Ang detalye nasa isa kong blog. Fresh pa naman sa memory ko ang mga pangyayari, doon ko nalang ikukwento. :P
--work. Sus! Eto na, eh di sa sobrang tagal kong nawala... tambak ang trabaho ko pagbalik.. wala na ngang time huminga.. etchos lang!!
--birthday. Oo, tulad ng mga normal na tao, nagsi-celebrate din ako ng araw na unang masilayan ng Nanay ko ang repleksyon ng kanyang kagandahan.. *walang kokontra!*.. so party party with friends, with family, with special someone.. Details...sa ibang blog nalang siguro.. :P di naman siya super espesyal pero may gusto lang ako ibahagi tungkol sa birthdays.. kaya gagawan ko siya ng sariling post. oha!
--job opportunity. Aba! hanggang dun lang. may nag offer kase saakin ng mas magandang opportunity in terms of career and syempre sa sahod. Ang loyalty ko naman talaga ay sa "pera" kaya nga ako nandito.. pero yun.. mukhang malabo na dahil sa work permit issues.. pero kahit ganun, nabawasan parin ang youth sa mukha ko. Masaya naman na sana ako sa kilalagyan ko, kaso nung tumawag yung kumpanyang yun, naisip ko tuloy bat ako nagsesettle kung may chance at potential naman ako umangat.. kaya ayan.. nastress ako slight.. :P
--business. At my age, gusto ko nang magset up ng ibang income kaya puspusan ang ginagawa kong paraan to make ends meet kung saan ko pwede ilaan ang aking pinagpagurang sahod bukod sa pagkain.. medyo kapos kaya medyo stress ng konti sa kakawenta.. pero at the end of the day, masaya naman kung nakikita mong may pinatutunguhan ang pinaghirapan mo diba? Juggler lang ang peg! :)
--home sweet home. Sana bago matapos ang April ay maayos na ang flat (which is impossible). Kaya bukas todo ligpit na talaga ako at super ayos na ng house.. nang makapagrelax na at makapagmove on! hhehehe..
so ayan.. yung mga detalye.. iboblog ko nalang sa susunod.. di kase ako makapagwork ng maayos or makapagsulat pag magulo ang paligid ko or pag may iniisip akong mga bagay bagay na dapat tapusin muna or something..
Till next time.
Muahhugs unlimited!!! ^_^
No comments:
Post a Comment